^

Metro

Flesh trade sa Parañaque kinakanlong

-

Nagmistulang inutil ang kapulisan at opisyal ng lokal na pamahalaan para sugpuin ang lumalalang prostitus­yon sa kahabaan ng Airport Road sa Parañaque City dahil nagpapatuloy sa operasyon kahit ilang metro lamang ang layo ng presinto ng pulisya at barangay hall.

Maging ang inaasahan ng mga residente na mga pangunahing ahensya sa pipigil ay umiiwas sa isyung “putahan” sa naturang lugar. Kabilang sa mga videoke bar na pinamumugaran ng putahan ay ang Miss World na pinapatakbo ni Ompong at Red Octagon naman ni Rolly.

Ang dalawang nabanggit na establisamento ay ilan lamang sa pangunahing prostitution den na may putahan sa ikalawang palapag maliban pa sa operasyon ng live sex sa entablado sa tuwing sasapit ang hatinggabi.

Untouchable raw ang dalawang nabanggit na night club/videoke bar sa mga kinauukulan tulad ng PNP, NBI, DSWD at Office of the Mayor, dahil may nakalaang ma­laking  halaga na kinokolekta ng isang alyas “Arthur” at “Ricky.”  Pinagmamalaki nina Ompong at Rolly ang isang alyas “Jojo” na sumasangga sa sinumang kina­uuku­lan na sa­saltik at pipigil sa nagsulputang putahan sa Airport Road.

Maging ang tanggapan ng kalusugan sa City Hall ay nagiging inutil sa pag-iinspeksyon ng gu­sali ng Miss World at Red Octagon at kapag sinuri ay mahihiya ang dump­site sa Rizal dahil sa masang­sang na amoy na nag­mumula sa mga nagkalat na con­dom na ginamit ng mga kliyente sa pakikipagtalik. (Mhar Basco)

AIRPORT ROAD

CITY HALL

MHAR BASCO

MISS WORLD

OFFICE OF THE MAYOR

OMPONG

RED OCTAGON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with