Manhunt pinatindi vs itinakas na preso
Ginagalugad na ng mga operatiba ng Quezon City Police ang mga hideout na pinaniniwalaang pinagtataguan ng presong suspect sa robbery homicide na itinakas ng walong armadong kalalakihan nitong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, iniisa-isa nang suyurin ng QCPD-Station 7 ang hideout ng gang na kinabibilangan ng tinutugis na presong si Pedro Rodica.
Si Rodica ay itinakas ng walong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kasamahan nito sa sindikato nitong Biyernes ng umaga matapos harangin ang mobile car ng QCPD na nag-escort dito sa kahabaan ng EDSA underpass malapit sa Baliuag Bus terminal sa Cubao,
Sinabi ni Gatdula na may lead na sila kung saan posibleng itinatago ng kanyang mga kasamahan sa sindikato si Rodica.
Gayunman, tumanggi ang opisyal na tukuyin ang mga lugar na posibleng pinagtataguan ni Rodica dahil baka mabulilyaso ang kanilang dragnet operations.
Sa tala , nang unang itinakas si Rodica sa mga escort nitong pulis noong Disyembre 2007 ay umabot ang operasyon ng police tracking team sa lalawigan ng
Ang nasabing suspect ay nasakote sa lalawigan ng
Magugunita na nitong Biyernes, ilang oras matapos nga itong maaresto ay muling itinakas si Rodica sa isang mala-pelikulang rescue kaya agad na iniutos ang manhunt operations laban dito maging sa mga kasamahan nito.
Samantala, kasalukuyan na ring iniimbestigahan ang tatlong police security escort ni Rodica. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending