Treasurer timbog sa pagkuha sa P7.3 -M ng kompanya

Naaresto ng pulisya kamakalawa ng hapon ang treasurer ng isang kilalang strip mall sa Pasig City makaraang itakbo umano nito ang ha­lagang P7.3 milyon hala­ga ng pera ng kom­panya.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ma. Theresa Manalac, treasurer ng Optimus Property Holdings, ang kom­panya na nagpapatakbo ng Metro­walk strip mall na mata­tag­puan sa ka­habaan ng Meralco Avenue Ortigas ng lungsod na ito at resi­dente ng Penthouse D, LPL Plaza, Leviste St.  Makati City.

Ayon sa pulisya, na­aresto ang suspek da­kong alas-5:30 ng hapon kamakalawa sa bisa ng warrant or arrest na ipi­na­­labas ni Judge Amelia Manalastas ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 268.

Nabatid na namimili sa isang kilalang meat shop ang suspek malapit sa tanggapan ng EPD Annex sa kahabaan ng Meralco Ave. ng nasa­bing lungsod ng mama­taan ng mga tauhan ng Pasig police. Agad na­mang dinakip ng mga tauhan ng warrant section ng Pasig police ang sus­pek na hindi na rin pu­malag at agad na di­nala sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa court re­cords, inakusahan si Mañalac ng Optimus Property Hol­dings Corp., sa pama­ma­gitan ng representante nitong si Ramon Lee ng qualified theft matapos na mag­with­draw ng P7, 344, 000 mula sa pondo ng kom­panya noong Peb­rero 4, 2008.

Si Mañalac, ayon kay Lee, ay pinagtiwalaan ng kompanya na siyang ta­nging signatory sa lahat ng mga tseke o perang ipapalabas ng kompanya dahil nagsisilbi itong treasurer.

Sinabi pa ni Lee ma­ta­pos nilang paghi­nalaan ang mga kilos ni Ma­ñalac, napagka­sun­duan nilang palitan na lamang ito bilang treasurer, ba­gay na agad na natunu­gan ng suspek.

Matapos na mag-withdraw ng pera ay nagtago na si Mañalac at kama­ka­lawa lang ito na­ti­yem­pu­han ng awto­ridad. (Edwin Balasa)

Show comments