LTO fixer tinodas ng ka-live-in

Patay ang isang lalaki na nagtatrabaho bilang fixer sa Land Transpor­ta­tion Office (LTO) matapos na sak­sakin ng kanyang ka live-in dahil sa pagtatalo sa su­ gal, kamakalawa ng ma­da­ling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Hermogenes Castillo, al­yas Bullet , 52, ng #457 T. Asu­rez St., Sam­­paloc, Maynila.

Kasalukuyang pinag­ha­­hanap pa rin ang naka­takas na suspek na si Elenito Pisico, alyas Leny, walang trabaho at naninira­han sa Makaba Com­pound, Upper Baulat, Brgy. Tan­ dang Sora, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal In­vestigation and Detection Unit, naganap ang krimen dakong alas-2:30 kama­kalawa ng umaga sa Ma­kaba Compound, malapit sa bahay ng suspek na si Pisico.

Ayon sa mga kapit­bahay, huli nilang nakitang nagtatalo ang dalawa ma­tapos na magalit si Castillo sa madalas na pagpunta at pagkasugapa na ni Pisico sa video karera sa ka­nilang lugar.

Nakita na lamang ang biktima na tumatakbo, hu­mihingi ng saklolo habang umaagos ang dugo sa kan­yang katawan. Isinugod naman ito ng mga tricycle driver sa Quezon City General Hospital kung saan ito nasawi.

Bago bawian ng buhay, nasabi pa ni Castillo sa ma­nugang nito na si Al­fredo Tibang na ang kanyang ka-live-in na si Pisico ang may kagagawan ng pana­nak­sak sa kanya. (Danilo Garcia)

Show comments