^

Metro

PNP nag-sorry!

- Nina Grace Dela Cruz At Joy Cantos -

Sorry.

Ito ang naging pa­ha­yag ng pamunuan ng Phi­lippine National Police (PNP) ma­tapos na ma­tiyak na hindi puro hol­da­per ang walong na­sawi sa naganap na Delpan Bridge shootout, kundi may dalawang sibil­yang nadamay.

Inamin ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na dalawang sibil­yan  ang nadamay la­mang sa naganap na shootout.

Ayon kay MPD district director Roberto Rosales, pito lamang ang sakay ng Nissan Urvan na kinasa­sakyan ng mga suspek na pawang mga miyem­bro ng Waray-Waray gang.

Aniya, anim sa mga sus­pek ang idineklarang dead-on-the-spot, ha­bang ang isa pa ay na­katakas at kasalukuyang pinagha­hanap pa rin ng pulisya.

Namatay naman bago pa idating sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Ro­lando Natividad, Opera­tions Manager ng Asia Bre­wery at driver nitong si Victor Constantino, 30, ng 355 Cavite St., Ga­ga­la­­ngin, Tondo, Manila san­hi ng tama ng bala sa ka­ta­wan na ayon pa sa pu­lisya, dahil sa sobrang ka­li­tuhan ay napabilang ang mga ito sa mga suspek.

Humingi naman ng dis­pensa si Rosales sa pa­­milya ng dalawang bik­tima at nangakong han­dang mag­bigay ng tulong sa abot ng makakaya ng pu­lisya. Kinilala na rin ang da­lawa sa napatay na suspek at umano’y mi­yem­­bro ng Waray-Waray gang na sina Romeo Luciano, na sina­sabing lider ng gru­po at dating miyembro ng Philip­pine Army at Rudy Sengki, tina­tayang 30-35 anyos, may taas na 5’4’’, naka-short pants at puting t-shirt.

Apat pa sa mga sus­pek ang hindi pa naki­kilala at wala pang uma­angking kamag-anak sa mga ito.

Samantala, nilinaw naman ni Supt. Jose Mario Espino, hepe ng MPD-Station 2 (Tondo) na kaya nadamay sina Nativi­dad at Constantino sa na­ga­nap na shootout ay dahil sa umano’y inagaw ng mga suspek ang puting Isuzu Fuego (WJY 692) na sina­sakyan ng dalawa.

Una nang sinita ng mga kagawad ng MPD ang sina­sakyan ng mga sus­pek na isang maroon na Nissan Urvan (ZEY 692) habang pa­paakyat sa Del Pan bridge dakong ala-1:30 ng hapon subalit sa halip na tumigil ay pina­sibad ang ka­nilang sa­sak­yan na rumampa sa center island dahilan upang pa­pu­­tukan ng pulisya ang mga ito.

Ilan sa mga suspek ang tinangkang agawin ang sinasakyan ni Nati­vi­dad na nagresulta sa pag­­kaka­da­may nito at kan­yang driver. Dahil dito, pi­na­­­iimbes­ti­ga­han ni NCRPO di­rec­tor Geary Barias ang pag­ka­matay ng dala­wang sibilyan.

ASIA BRE

CAVITE ST.

DEL PAN

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

NISSAN URVAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with