^

Metro

Binawalang manligaw sa maid, nag-suicide

-

Dahil pinagbawalan ng kanyang kuya at kan­yang hipag na huwag li­ga­­wan ang kanilang ka­tulong, isang 19-anyos  na college student ang nag­patiwakal sa pama­ma­gitan ng pagbaril sa sarili kahapon ng ma­daling-araw sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang biktimang si Mark An­thony Liu, binata, ng Carisle Man­sion, Bagum­bong, ng na­sabing lung­sod. Nag­tamo siya ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .357 Magnum.

Ayon sa imbesti­gas­yon, ang biktima ay pi­nagsabihan at pinagba­walan ng kanyang ku­yang si Robert at hipag nito, na huwag ligawan ang ka­ nilang katulong na hindi naman nabanggit ang  pa­ngalan. Dahil dito, nag­tampo ang biktima at lagi itong nag-iisip ng ma­lalim hanggang da­kong alas-12:33 ng ma­daling-araw, nakarinig ang mga ka­sam­­bahay ng biktima mismo sa loob ng kan­yang kuwarto ng putok ng baril.

Agad nilang pinunta­han ang kuwarto ng bik­tima at tumambad sa ka­nila ang duguan at wala nang buhay na binata.  (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGUM

CALOOCAN

CARISLE MAN

DAHIL

LIU

LORDETH BONILLA

MARK AN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with