Mariing nanawagan kahapon ang ilang empleyado at miyembro ng National Police Commission Employees Association sa Department of Interior and Local Government na imbestigahan ang ilan nilang mga opisyal na “naglamyerda” sa Boracay na ang pondo umanong ginamit ay mula sa kaban ng bayan na nagkakahalaga ng P.4 million sa kabila ng dinaranas na paghihikahos ng mga maliliit na kawani at matinding init na nararanasan dahil sa halos dalawang buwan nang walang air-condition ang kanilang opisina.
Subalit sa kabila ng pagbabawal ng Malacañang dito, napag-alaman sa ilang miyembro ng NAPEMA, na humigit kumulang sa ka nilang 33 officials ay nagsagawa ng kanilang anim na araw na regional directors conference sa Iloilo, na ang ginastos ng mga ito ay umabot umano sa P.4 million para sa airfare at accommodation sa hotel at pagkatapos ay naglamyerda ang mga ito sa Boracay.
Mahigit dalawang buwan nang inirereklamo ng mga kawani ang sobrang init ng kanilang tanggapan, kung saan ang ilan sa mga kawani ay nagkakasakit ng heat stroke.
Ikinakatwiran ng pamunuan ng NAPOLCOM na walang pera ang ahensiya kaya walang pambili o hindi muna maipapagawa ang air-con at magtitiis pa sila hanggang Agosto. (Lordeth Bonilla)