^

Metro

Demolisyon sa Karingal tuloy

-

Nabigong makakuha ng panibagong palugit ang higit 400 pamilyang “iskuwater” sa loob ng Kampo Karingal sa Quezon City kung saan na­katakdang wasakin na  nga­yong araw ang mga kaba­­hayan na nakatirik sa headquarters ng Quezon City Police District.

Nag-umpisa na kahapon ang mga residente na kusang gibain ang kanilang mga bahay upang may ma­pa­kina­bangan pa matapos na hindi makakuha ng su­porta sa pamahalaang lokal at sa Philippine National Police­.

Inireklamo ng mga resi­dente na hindi makatwiran ang pagpapaalis sa kanila ng QCPD dahil walang relo­kasyon at walang “assistance” na ibinigay sa kanila.  Patuloy na iginiit ng mga residente na bawal sa batas ang demolisyon kung walang sapat na relokasyon na ibi­bigay sa mga residente.

Sinabi naman ni Quezon City Police District Housing Director, Sr. Supt. Elmo San Diego na hindi “entitled” ang mga  residente ng kampo ng relokasyon dahil base sa desisyon ng isang inter-agency panel kabilang ang National Housing Authority at Commission on Human Rights. Sa kanilang assessment, hindi maibibilang sa “urban poor” ang mga isku­water na nakatira sa Camp Karingal compound.

Gagamitin ang mababa­kanteng lupain sa pagpapa­tayo ng quarters o pabahay sa mga pulis-QCPD, eks­ ten­syon ng Quezon City Cor­rection bldg., pagpa­patayo sa gusali ng QCPD-Scene of the Crime Operatives at Quezon City Police  Academy.

Idinagdag pa ni San Diego­ na nag-umpisang tirikan ng bahay ang Kampo Karingal noong 1976 kung saan ibini­gay ang mga “rights” sa mga pulis. Sa tagal ng pana­hon, ibi­nenta ng mga pulis ang mga rights sa mga sibilyan habang ang iba ay magtayo na ng paili­gal ng mga bahay. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

ELMO SAN DIEGO

HUMAN RIGHTS

KAMPO KARINGAL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with