^

Metro

4  na holdaper timbog

-

Apat na hinihinalang hol­da­per ang naaresto ng mga ope­­ratiba ng Manila Police District (MPD) matapos na mambiktima ang mga ito kahapon ng ma­daling-araw sa Maynila.

Kinilala ang mga suspek at kasalukuyang nakapiit sa MPD-Theft and Robbery section sina  Loreto Casiano, 38, may-asawa, construction worker ng 1927 Careon St., Sta. Ana, Manila; Romer Topaquio, 47,  vendor ng 1106 Labores St., Pan­dacan, Manila; Russel Bautista, 28, tricycle driver ng 1106-B Labores st., Pandacan, Manila at Roberto Solis, 28, binata, taxi driver, ng  Road 14 Sta. Ana Manila.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw nang ma­aresto ang mga suspek sa panulukan ng Quirino Ave at Mabini St., Malate, Manila. 

Nabatid na bago maaresto ang mga suspek ay isang jeep­ney driver ang nag-report sa MPD-Mobile car no. 332 na umano’y sakay ng mga hinihina­lang holdaper sa isang taxi na may plate number na TVV 977

Nagkataon namang du­maan ang naturang taxi kayat naispatan ito ng mga awtoridad at naaresto ang mga suspek.

Nabatid na bago maaresto ang mga suspek ay hinoldap ng mga ito ang biktimang sina Edgardo Antonio,39, parking warden ng Makati Parking Authority at Ema Antonio,35,call center agent  at kinuha ang ka­nilang mahahalagang gamit kabilang dito ang cellphone, P3,500 at iba pang kagamitan.

Matapos na mambiktima ang mga suspek ay tumakas ang mga ito gamit ang isang taxi na minamaneho ni Solis sa di­reksiyon ng Quirino Avenue sa Maynila subalit naplakahan ito ng isang jeepney driver at ini­report ito sa operatiba ng MPD na nagresulta sa kanilang pag­ka­kaaresto.

Hindi naman naibalik ang tinangay ng mga suspek na pi­na­niniwalaang naipasa ito sa mga kasamahan nila. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ANA MANILA

B LABORES

CAREON ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with