^

Metro

Amerikanong pedopilya arestado

-

Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang  68-anyos na American pedophile na matagal nang wanted sa bansang Amerika dahilan sa pangmomolestiya at sa  pagka­­kasangkot sa child pornography.

Kaagad na inaresto ng mga operatiba ng Law Enforcement Division (LED) ng BI ang pedopil­yang si Frederick Louis Dipasquale sa kanyang bahay sa Saint Joseph Street, Doña Pilar, Sasa, Davao City.

Kaagad din itong iniluwas ng Maynila at ipiniit sa Bicutan immigration jail habang iniha­handa ang deportation proceedings nito.

Ayon kay Atty. Floro Balato, spokesman ng BI, ang pagkaaaresto kay Dipasquale ay bunsod sa kahilingan na rin ng US embassy sa BI upang ma­hanap at maaresto ang suspek na matagal nang nagtatago sa bansa matapos  itong duma­ting sa bansa noong Mayo 2005 bilang turista sa loob ng 21 araw.

Nabatid na naaresto ang suspek habang nasa akto nitong kinukuhanan ng litrato ang isang batang babae sa isang parke sa Davao.

Base sa ibinigay na impormasyon ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Dipasquale ay may kasong kriminal sa Amerika dahilan sa pangmo-molestiya sa anak ng kanilang kapitbahay.

Bukod dito,nakitaan din ito ng mga hubad na litrato ng mga menor-de-edad sa kanyang per­so­nal computer kayat kinasuhan din ito ng pag­labag sa child pornography act. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AMERIKA

BUREAU OF IMMIGRATION

DAVAO CITY

DIPASQUALE

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

FLORO BALATO

FREDERICK LOUIS DIPASQUALE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with