^

Metro

1 pa patay sa Trinoma

-

Umakyat  na sa dalawa ang nasawi sa aksidenteng naganap sa Trinoma mall matapos na hindi na rin naisalba pa ng mga manggagamot ang buhay ng isa pang pintor na una nang naiulat na nasa comatose kamakalawa ng gabi. Pu­ma­naw na rin ang biktimang si Rommel Panuelas sa loob ng intensive care unit ng East Avenue Medical Center mata­pos na unang masawi ang kasamahan nitong si Juan Mariano. Inoobserbahan rin naman ang kundisyon ni Rafael Tala habang nakalabas na ng pagamutan ang iba pang kasamahan na sina Rommel Ricamora at Lionel Ortiz. Matatandaan na bumagsak dakong alas-2 kamakalawa ng hapon ang scaffoldings na tinatapakan ng limang pintor sa ikalawang palapag ng parking area ng Trinoma Mall na naka­harap sa Mindanao Avenue. Nagpahayag naman ang pamunuan ng Ayala Land Corporation na handa silang sagutin lahat ng gastusin ng mga biktima habang nag­sa­sagawa na ng imbestigasyon ang Que­zon City Police District upang ma­batid kung nagkaroon ng kapabayaan ang contractor ng mga naturang pintor sa kanilang kaligtasan. (Danilo Garcia) 

vuukle comment

AYALA LAND CORPORATION

CITY POLICE DISTRICT

DANILO GARCIA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JUAN MARIANO

LIONEL ORTIZ

MINDANAO AVENUE

RAFAEL TALA

ROMMEL PANUELAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with