^

Metro

NFA rice ibebenta sa LRT stations

-

Upang  mas mapalaganap ang distribusyon ng bigas sa ma­ma­mayan, gagamitin na rin  ang mga istasyon ng Light Rail­way Transit (LRT) para maging outlet o tindahan ng murang bigas mula sa Na­tional Food Authority (NFA).

Sa panayam kay Jinky Jiorgio, tagapagsalita ng Light Rail­way Transit Authority (LRTA), makikipagpulong muna sila sa pa­­mu­­nuan ng NFA upang mailagay sa ayos ang distri­busyon at pagbe­benta ng bigas sa ilan nilang mga train station nang hindi makakaabala sa pag­dagsa ng mga commuters na tuma­tang­kilik sa LRT.

Ipaga­gamit umano ng LRTA para sa pag­be­benta ng murang bigas ang Baclaran Station, Quirino at Central Station sa LRT line 1, Santolan at Legarda stations sa LRT line 2.

Nabatid pa kay Jiorgio na bagama’t sang-ayon si LRTA Admi­nistrator Mel Robles sa hiling ng NFA, kailangan munang balangkasing maigi ang pagsisimula nito dahil kailangan aniya nilang masi­guro na may sapat na segu­ridad ang mga com­muters at hindi ito ma­ka­kaapekto sa kanilang pang-araw-araw na operasyon.

Binigyang-linaw naman ni Jiorgio na hindi naman sa itaas kundi sa ibaba ng mga train stations isasagawa ang pagbe­benta ng murang bigas kaya’t posibleng hindi mabi­big­yan ng seguridad ng ka­nilang mga se­curity personnel ang mga taong dadagsa na bibili ng bigas.

Sinabi pa ni Jiorgio na ka­tuwang naman ng NFA sa dis­tri­busyon at pagbebenta ng bigas ang mga sundalo at PNP kung kaya’t puwede ring ang mga ito na ang magbigay ng segu­ridad sa mga train stations na gagamitin ng ahensiya.

Bukod dito, itatakda rin kung anong oras dapat simu­lan ang pagbebenta ng bigas na kaila­ngang itapat sa oras na hindi masyadong marami ang mga commuters na sasakay sa train.

Nais umano ng NFA na ma­gamit ang ilang mga train stations ng LRT sa pagbe­benta ng murang bigas upang maiwa­san na ang mahabang pila sa ilang NFA rice distri­bution center. (Rose Tamayo-Tesoro at Angie dela Cruz)

BACLARAN STATION

BIGAS

CENTRAL STATION

JIORGIO

LIGHT RAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with