1,000 bus bawal na sa Maynila
Simula sa araw na ito may 1,000 bus na mula sa Batangas, Laguna at
Ito ang inihayag kahapon ni ret. Col. Franklin Gacutan, hepe ng Manila Parking and Traffic Bureau.
Ayon kay Gacutan, kailangang kumanan na sa Harrison o sa Taft Avenue ang mga bus na galing Roxas Blvd. matapos magbaba ng pasahero sa Pablo Ocampo St., dating Vito Cruz para hindi nila malabag ang batas-trapiko ng lungsod.
Sinabi ni Gacutan na kailangan nilang ipatupad ito dahil ito lamang ang kanilang nakikitang paraan upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa southbound ng Maynila dahilan sa walang habas na pag labag sa city traffic ordinance ng lungsod ng mga pasaway na bus driver ng provincial bus.
Nabatid na hindi sumunod ang mga bus operators sa napagkasunduan na kailangang maglaan ng shuttle bus ang mga bus company para ihatid ang mga ibababang pasahero, halimbawa sa Liwasang Bonifacio o sa Sta. Cruz.
“Tatlong beses na kaming nag-usap ng mga bus operators at pang-apat na meeting na ito, pero hindi sila sumusunod kaya’t maghihigpit na kami,” ani Col. Gacutan.
Bukod dito, maghihigpit rin sila sa mga kolorum na bus at jeep na bumibiyahe sa Maynila gayundin sa mga illegal terminal na nagkalat sa lungsod.
Target ng MTPB operations ang illegal terminal ng jeep at FX taxi sa Ilaya-Padre Rada, Tondo, Juan Luna-Recto sa Binondo, Moriones, Dagupan, Tondo, Tayuman, Avenida sa Sta. Cruz, Blumentrtit, Sta. Cruz, Paco area, P. Faura St., Ermita, Plaza Lawton at iba pa.
Samantala, isu-subpoena ng pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) si Manila Mayor Alfredo Lim, gayundin ang bus operators na may ruta sa Maynila.
Ang hakbang ay ginawa ni LTFRB Chairman Thompson Lantion bilang pagtalima sa tumitinding problema ng mga bus operators hinggil sa pagbabawal ng Manila government na makapasok ng naturang lunsod ang kanilang mga bus na maghahatid ng mga pasahero sa Maynila galing sa mga probinsiya mula Batangas, Laguna, Quezon at Cavite.
Sinabi ni Lantion na paghaharapin niya ang magkabilang panig upang masolusyunan ang naturang problema sa lalung madaling panahon.
Bukod dito, nais anya ng LTFRB na malaman kung may nilalabag na probisyon ang city government ng Maynila hinggil sa ginagawang pagbabawal nito sa mga provincial buses na makapasok ng Maynila.
- Latest
- Trending