^

Metro

4 tiklo sa mga pekeng pera

-

Nagbabala kahapon ang mga operatiba ng Manila Po­lice District (MPD) sa publiko sa nag­­kalat ng pekeng P500 bill ma­tapos na madiskubre ang im­pren­tahan ng pekeng pera at ma­aresto ang apat na katao sa Sta. Cruz, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa MPD-Station 1 (Binondo) ang sus­pek na sina Ricky Chan, 45, vendor; Erwin Cabiling, 22, binata; Richard Reyes, 35;  at Pacifico Laminato, 48, ng #1835 Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila.

Sa report ng pulisya, da­kong alas-9:30 ng gabi nang naaresto ang mga suspek sa loob ng Spring Hotel sa #880 Rizal Ave. Sta. Cruz, Manila.

Nauna rito, bumili ng dala­wang pirasong metallic rulers si Cabiling sa tindahan ng isang Artemio Agsalud, 55, ne­gos­yante, sa halagang P120 at nag­bayad ito ng P500.

Gayunman, nang ipadaan sa currency detector ang ibi­nayad ng suspek ay  natukla­san na peke ito kaya pansa­man­talang pinigil si Cabiling bago ito inireport sa MPD-Meisic Police Station (PS-11).

Sa pulisya, nakipagtulu­ngan si Cabiling na ituro ang pinag­kunan nito ng pekeng pera kaya bumuo ng team ang pulisya. Dakong alas-9 ng gabi nang isagawa ang ope­rasyon na nag­resulta sa pag­ka­aresto sa iba pang suspect.

Nakakuha rin ang pulisya ng ilang pirasong sachet ng shabu sa pantalon ni Chan nang ito ay kapkapan.

Pinasok din ng pulisya ang Room 304 ng nasabi ring hotel na umano’y imprentahan ng pekeng pera na nagresulta sa pagkakaaresto kina Reyes at Laminato na naaktuhan pang sumisingot ng hinihinalang shabu. Nakuha sa naturang ku­warto ang pitong pirasong pekeng P500 bills, isang unit ng Laptop computer; Epson C90 Computer printer, iba’t ibang para­phernalia sa pag­gawa ng pekeng pera at mga drug para­phernalia. (Grace dela Cruz)

ARTEMIO AGSALUD

CABILING

CRUZ

ERWIN CABILING

MANILA PO

MEISIC POLICE STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with