Israeli umiiwas sa kaso, naglaslas ng pulso
Upang makaligtas sa iba pang kasong kriminal, mas pinili ng isang Israeli national na maglaslas na lamang ng kanyang pulso kahapon ng hapon sa loob mismo ng headquarters ng Manila Police District (MPD) sa United Nations Avenue, Maynila.
Si Yehezkel Goldenburg, 73, nanunuluyan sa Mabini Pension House ay nadiskubreng duguan dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng isa sa mga comfort room sa ikalawang palapag ng MPD.
Nagpaalam lamang umano si Goldenburg na iihi ngunit ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa ito bumabalik dahilan upang sundan ng ilang kagawad ng MPD-District Anti Organized Crime Task Force.
Agad naman na isinugod si Goldenburg sa Ospital ng Maynila (OSMA) at nalapatan ng lunas.
Una dito, si Goldenburg ay nahaharap sa reklamong physical injury na isinampa ng isang Marvin Mendoza, 32, residente ng Sto. Domingo st.,
Nang makulong sa MPD ay nadiskubre ng pulisya na mayroon pa palang kinakaharap na kasong large scale illegal recruitment si Goldenburg at nakabiktima ito ng 20-katao sa Zamboanga City.
Si Goldenburg ay susunduin na ng mga kagawad ng Zamboanga Police kahapon kung kaya’t naglaslas umano ito ng pulso. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending