Killer ng 2 Comelec officials pulis

Tukoy na ng Manila Po­lice District (MPD) ang da­lawang suspek sa pag­patay kina dating Com­mis­­sion on Election (Co­melec) Law Department Head  Atty. Alioden Dalaig at Of­ficer-in-Charge Wynne Asdala.

Sa isinagawang press conference ni MPD Dis­trict Director Roberto Ro­sales  ay positibong tinu­koy nito sina POI Baser Ampatuan  at isang alyas “Irving”.

Ayon kay Rosales, si Ampatuan ang kapwa gun­man nina Asdala at Dalaig batay na rin sa mga na­ka­lap na testi­monya ng pu­lisya mula sa tatlong testigo na hawak nito at base na rin sa mga cartographic sketch.

Si Ampatuan umano ay isang aktibong miyem­bro ng pulisya na naka­talaga sa Sultan Kudarat  Police Station at dating miyembro naman ng Moro National Libe­ration Front (MNLF)  bago ito pumasok sa Philip­pine National Police.

Sinabi din ni Rosales na may bahid politika ang pag­kakapaslang sa dala­wang nabanggit na Co­melec Officials.

Aniya, may kaugna­yan sa hinahawakang election related case ang pagpatay sa mga na­sabing biktima at ito ay hinggil sa pagka-go­bernador ng ilang  politiko  sa Shariff Kabunsuan.

Gayunman, inaalam pa rin ng pulisya kung may­roong kaugnayan si Am­patuan sa isang Governor Mastura.

Sasampahan naman ng kasong murder sa Ma­nila Prosecutor’s Office ang dalawang suspek at ngayon ay itinuturing nang wanted sa batas.

Si Asdala ay tinamba­ngan noong Marso 24, 2008 habang ito ay nagla­lakad sa panulukan ng Ca­bildo St. at Soriano Ave., Intramuros, Manila pa­balik sa kanyang tangga­pan sa Comelec. Habang si Dalaig na­man ay binaril sa harap ng Hyatt Hotel  sa Ermita, Manila noong November 10, 2007.

Una ng sinabi ng pu­lisya na si Irving ay nakuha­nan ng close circuit tele­vision na siya umanong nagmaman­man kay Dalaig  sa loob ng Casino sa natu­rang hotel.

Show comments