^

Metro

Fare increase di pa tiyak - LTFRB

-

Wala pang katiyakan kung ipatutupad ang pag­taas sa singil sa pa­sahe na inihihirit ng transport groups sa Land Trans­por­ tation Franchising Regulatory Board (LTFRB) bun­sod ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pro­duk­tong petrolyo.

Ayon kay LTFRB Chair­­man Thompson Lantion, hindi pa naka­ka­pagdesisyon ang kani­yang tanggapan kung pagbibigyan ang transport sectors dahil kaila­ngan pang dumaan sa masusing ebalwa­syon kung ipatutupad ang hini­hinging P1.50 fare increase sa mga jeepney na umaalma sa mataas na presyo ng gasolina atbp.

Sa kasalukuyan ay ta­nging pagdinig pa lamang sa inihahaing petisyon sa fare hike ang kanilang ma­ipa­pa­ngako.

Una rito, nagsialma ang transport partikular na ang mga driver dahilan wala na halos umano silang kinikita na napu­punta lamang sa boundary sa mga ipina­pasada nilang sasakyan dahilan sa sobrang mahal ng presyo ng krudo.

Ayon naman sa PISTON (Pi­nag­kaisang Sa­mahan ng Tsuper at Ope­reytor Nationwide), hindi ang fare hike ang solus­yon sa problema kundi ang pagtanggal sa oil deregulation law at value added tax sa mga pro­duktong petrolyo upang matigil ang serye ng oil price hike. (Joy Cantos)

AYON

FRANCHISING REGULATORY BOARD

JOY CANTOS

LAND TRANS

SHY

THOMPSON LANTION

TSUPER

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with