Reklamo ng transport sa IT idinaan sa dialogue
Isang dayalogo ang inilunsad kamakailan ng ilang transport leader at Information Technology provider ng Land Transportation Office upang bigyang solusyon ang kanilang mga karaingan hinggil sa operational at service isyu ng LTO-IT Project.
Inirereklamo ni Efren de Luna ng Alliance of Concerned Transport Operators ang paminsan-minsang pagkasira ng computer system sa mga lalawigan na nagpapabagal sa mga transaksyon sa LTO.
Tiniyak naman ni Ramon Reyes, Stradcom Vice President for Business Operations, sa mga lider ng transport group na naayos na nila ang mga ganitong problema at katunayan na-improve na ang LTO operations para mapabilis ang kanilang transaksyon.
Idinagdag pa ni Reyes na kadalasan, ang mga problema na nararanasan ng IT system ay bunga ng mga puwersa na hindi nila kontrolado kabilang na rito ang power failure at problema sa serbisyo ng kumpanya ng telepono. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending