^

Metro

World class ‘Bilis responde’ ng MPD

-

Pasisinayaan na bukas (Lunes) ang world class na gadget ng Manila Police District upang mas pabilisin pa ang pagresponde sa anumang emergency at krimen sa lungsod ng Maynila.

Sa pagsisimula ng modernisadong District Tactical Operations Center (DTOC) inaasahang nadala na sa Maynila ang subok na sa bilis na pagresponde ng ilang ‘first world countries’ na may awto­ma­tikong alarma at pagresponde sa sinuman at saanmang nanga­nga­ilangan ng police assistance, sa ilalim ng programang “Citywatch”.

Kabilang sa makikinabang dito ang mismong mga residente  at business establishments na kakabitan ng makabagong gadget na konektado sa DTOC ng MPD.

“I have always been a believer in the use of technology in carrying out our mandate to serve and protect our people and this modern system puts as at par with law enforcement agencies in first world countries,” ani MPD Director Chief Supt Roberto Rosales.

Ang bagong sistema ay makatutulong sa pagpapakabit ng Global Positioning System (GPS) sa isang residential, commercial at business establishments, bukod pa sa ikakabit  sa MPD mobile patrol cars na awtomatikong magrereport ng lokasyon nito sa DTOC. Makikita ng MPD personnel sa bawat minuto sa kanilang digital map ang lokasyon ng partikular na nangangailangan ng res­ponde at mga nakaantabay na patrol cars na pinakamalapit sa area at mga personnel na idi-dispatch na may hawak namang bagong mobile hand-held radio.

Ang serbisyong makakamit mula sa pagiging subscriber ng “CityWatch” ay ang awtomatikong makakatanggap ng alerto na hindi na kakailanganin pang gumamit ng telepono. (Ludy Bermudo)

CITYWATCH

DIRECTOR CHIEF SUPT ROBERTO ROSALES

DISTRICT TACTICAL OPERATIONS CENTER

GLOBAL POSITIONING SYSTEM

KABILANG

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with