^

Metro

Binata tinodas ng kapitbahay

-

Isang 28-anyos na binata ang binaril at napatay ng galit na galit nitong kapitbahay matapos umanong maltratuhin ng una ang isa sa kaanak ng suspek kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Si Marvin Manuel  “alyas Bok Bok”,  ng Phase 2, Package 1, Lot 13, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod ay hindi umabot ng buhay sa Tala Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala ng   baril sa magkabilang panig ng leeg nito.

Hinahanting naman  ng pulisya ang suspek na si Jon Jon De Vera, 39,  may-asawa, nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa harap ng isang sari-sari store na matatagpuan sa kahabaan ng Phase 2, Package 1, Block 6, Lot 22, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Nabatid na  bibili sana ng alak ang biktima sa nasabing tindahan nang biglang lumitaw mula sa kanyang likuran ang suspek na galit na galit. Dito, walang sabi-sabing  binaril ng suspek ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas sa di-natukoy na direksiyon dala ang ginamit na armas.

Napag-alaman, ilang araw bago maganap ang nasabing in­sidente ay minaltrato umano ng biktima ang batang kaanak ng suspek kaya’t nagtanim ito ng matinding galit kay Manuel dahilan upang barilin at patayin niya ito. (Lordeth Bonilla)

BAGONG SILANG

BOK BOK

CALOOCAN CITY POLICE

JON JON DE VERA

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with