P50-M pushcart dinonate ng German firm sa NAIA
Isang German firm ang nagmagandang-loob na mag-donate ng 1,500 pirasong trolley cart na nagkakahalaga ng P50 milyon dahil sa mga luma at medyo nasisira nang baggage pushcart sa Ninoy Aquino Inter national Airport para pandagdag sa kasalukuyang ipinapagamit sa mga pasahero sa pangunahing paliparan ng bansa.
Ayon kay Manila International Airport Authority na bukod sa mga bagong pushcarts, 12 porter trolleys o jumbo cart ang naidagdag sa NAIA.
Ayon pa sa opisyal, ang pushcarts na ibinigay ng Sleipner Indusries Inc, ay malaking tulong sa NAIA upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasaherong dumarating sa bansa.
Base sa record ng MIAA, humigit-kumulang sa 10.7 milyon pasahero ang dumarating sa NAIA terminals 1 at 2, na tinatayang mas marami ang gumagamit ng pushcart. Kung bibilhin, ayon sa MIAA, ang 1,500 pushcarts ay nagkakahalaga ng P50 milyon.
Nabatid na kaya ng push cart ang 250 kilong bigat na bagahe ng pasahero at 500 kilo naman para sa mga bagong jumbo cart. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending