^

Metro

Dahil sa pagsemplang, riding-in-tandem, timbog

-

Dahil sa pagsemplang sa motorsiklo, natimbog ang dalawang holdaper na riding-in-tandem habang hinahabol sila ng mga awtoridad, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kulungan ngayon ang binagsakan ng mga suspek na sina Ronald Felix, 41, bus driver; at Archie Razol, 27, empleyado at resi­dente ng #4 San Luis St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 3, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa Service Road ng North Diversion Road, Brgy. Unang Sigaw, ng naturang lungsod.

Nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga pulis sakay ng mobile patrol 018 nang parahin ang isang motorsiklo dahil sa hindi pagsusuot ng helmet ng dalawang sakay nito. Sa halip na huminto, pinasibad ng mga suspek ang kanilang sasakyan dahilan para habulin sila ng mga pulis. Nawalan naman ng kontrol sa mani­bela ang mga suspek sanhi upang sumemplang ang mga ito.

Nang tulungan ng mga awtoridad ang dalawa sa pagkakatumba nila, dito na nadiskubre sa mga ito ang isang sumpak, baril at isang plastic sachet na pinaniniwalaang ipinagbabawal na gamot kung kaya hinihinala na sangkot ang mga ito sa panghoholdap sa Commonwealth Avenue. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARCHIE RAZOL

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

DANILO GARCIA

NORTH DIVERSION ROAD

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

RONALD FELIX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with