^

Metro

Imbakan ng bigas sinalakay

-

 Umaabot sa 20,000 sako ng imported na bigas ang kinum­piska ng mga tauhan ng Philippine Anti-Smuggling Group matapos ang isinaga­wang inspeksyon sa isang bodega sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Nakatakdang sampahan naman ng PASG ng kasong “economic sabotage” ang sina­sabing may-ari ng bodega sa #10 Manhattan Street, Cubao, na nakilalang si Ricardo Luz.

Sinabi ng PASG na may isang linggo na nilang isinasa­ilalim sa paniniktik ang lugar bago nilagyan ng kordon.  Dakong alas-10 kahapon ng umaga nang pasukin ng mga opisyal ng PASG ang bodega at nadiskubre ang nakaimbak na 20,000 sako ng Jasmine rice na buhat pa sa Thailand.

Nabatid na pag-aari ng Vertex International Product and Exchange Corporation ang na­tu­rang bodega. Ang kum­panya ay nakarehistro umano upang mag-angkat ng softdrinks at sigarilyo at hindi bigas.

Napag-alaman rin na ipi­nasa ang hawak na import quota at deed of assignment  ng Vertex buhat sa Sapang Multi-Purpose Cooperative na nakabase sa Tarlac na siyang binigyan ng award ng National Food Authority (NFA) ng Farmer’s Importers Program upang mag-angkat ng bigas.

Nakatakda namang ku­muha sa korte ng warrant of seizure and detention ang PASG upang i-audit ang nakum­piskang mga bigas.

Iginiit naman ng mga ta­uhan ng bodega na may sapat silang papeles kabilang na ang lisensya nila sa Bureau of Internal Revenue at legal ang kani­lang operasyon. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CUBAO

DANILO GARCIA

IMPORTERS PROGRAM

MANHATTAN STREET

NATIONAL FOOD AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with