Opisina sa libreng serbisyong legal inilagay sa QC Hall
Naglagay ng libreng legal aid desk ang Federacion Internacional de Abogadas (FIDA) of the Philippines sa
Lumagda sa isang kasunduan sina Mayor Feliciano Belmonte Jr. at Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez, presidente ng FIDA upang isakatuparan ang paglalagay ng legal aid desk sa QC Hall, sa pakikipagtulungan ng Gender and Development Re source and Coordinating Office (GADRCO) na pinamumunuan ni Mary Ruby Palma.
Bilang grupo ng mga kababaihang abogado, ang FIDA ay kilala hindi lamang dito kundi sa ibang bansa, dahil sa aktibo nitong pakikibahagi sa promosyon ng kapakanan ng kababaihan at bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal assistance at outreach program.
Magkakaroon ng isang abogado ang FIDA legal aid desk na mag-oopisina sa QC Hall, isang araw sa isang linggo o kada dalawang linggo upang magbigay ng libreng konsultasyon sa usaping legal, paggawa ng mga dokumento na kakailanganin at iba pang legal services tulad ng legal representation sa mga kababaihan at bata na kailangan ng legal assistance.
Ang mga kaso ay maaaring dalhin sa legal aid desk sa pamamagitan ng GADRCO personnel na tutulong sa FIDA lawyer sa pagbibigay ng legal assistance.
Ang GADRCO ay isang administrative, coordinative research and resource unit na nasa ilalim ng opisina ng Mayor. Ito rin ay nagsisilbing member office ng QC GAD Council para sa implementasyon ng QC Gad Code.
- Latest
- Trending