P5-M shabu nasamsam ng NBI
Nasamsam ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso at nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug pusher sa isinagawang pagsalakay sa
Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang nadakip na suspek na si Abulkair Luminog, alyas Mayor Sultan, 24, at residente ng No112 Adelaide st., Green Park Village, Barangay Manggahan, Pasig City.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Reaction, Arrest and Interdiction Dept. (RAID) sa pamumuno ni Head Agent Roel S. Bolivar, nakatanggap ng impormasyon ang NBI kaugnay sa umano’y illegal na operasyon ng pagpapakalat ng shabu sa nasabing lugar at ang nagpapatakbo dito ay nakilala lamang sa alyas na Mayor Sultan.
Bunsod nito’y, isinailalim sa surveillance operation ang suspek at ng makumpirma ang ilegal na aktibidades nito ay agad na isinagawa ang operasyon. Armado ng arrest warrant na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Branch 33 Judge Reynaldo Ros ay dinakip ang suspect sa isinagawang raid. Nasamsam dito ang may isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5-milyon.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 11-12 Article II ng Republic Act 9165 – Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasig City Prosecutors Office kung saan walang inirekomendang piyansa para dito. (Grace dela Cruz at Edwin Balasa)
- Latest
- Trending