^

Metro

Kolorum na mga jeep,  FX at tricycle, sinuyod  ng MMDA

-

Matapos na patikimin ng spray-painting ang mga out-of-line o mga kolorum  na bus ay mga jeepneys, taxicabs, vans at tricycle naman ang pi­nuntirya kahapon ng pinag­sanib na pwersa ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) at pulisya na nakahambalang sa mga ilegal na terminal, side­walks, intersections at road right-of-ways sa EDSA.

Sa panayam kay MMDA Traffic Enforcement Group chief Roberto Esquivel, sinabi nito na dakong alas-6 ng umaga ka­hapon nang umpi­sa­han ng ahen­siya kasama ang ilang miyembro ng ka­pulisan ang panghuhuli sa ka­habaan ng Baclaran at Mo­numento ng Edsa Avenue.

Habang isinusulat ito ay patuloy pa ring isinasa­gawa ang nasabing operas­yon ng MMDA at kapulisan kung saan umaabot na sa ka­bu­uang 22 colorum bus, jeep, taxi at FX ang nasakote ng mga ito.

Ayon pa kay Esquivel na ang nasabing hakbang ay bilang pagpapatuloy sa ka­nilang Phase 2 campaign laban sa mga colorum na pampasa­he­rong sasakyan na walang pa­kundangang bumi­biyahe at nagpapasikip sa daloy ng trapiko sa Edsa.

Ayon pa kay Esquivel, ka­ra­mihan umano sa mga na­ares­tong jeep, taxi at FX ay pawang nakahambalang sa mga iligal nilang terminal sa mga inter­sections, sidewalk curbs, ilalim ng mga footbridge ng  MRT at LRT lines na nag­hi­hintay ng kani-kanilang mga pasahero.

Sa kaso naman umano ng mga naarestong colorum bus units, wala umanong kauku­lang micro-chips ang harapan ng mga windshields ng ka­nilang sa­sakyan at wala ring maipa­kitang kaukulang doku­mento ang mga driver na mag­papa­tunay na nasa tamang ruta nga sila.

Agad namang dinala ng MMDA sa kanilang im­pounding yards sa Pasig at Las Piñas  ang mga nahuling colorum na mga sasakyan.

Ang mga tsuper naman ng tricycle na naaresto ay binig­yan ng kaukulang multa at “warn­ing” kung saan kapag muling ma­aresto pa umano ang mga ito ay pa­patawan na sila ng mas ma­bagsik pa na pa­rusa. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

EDSA AVENUE

ESQUIVEL

LAS PI

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with