^

Metro

Tarpaulin ni Fernando ‘binaboy’

- Rose Tamayo-Tesoro -

“Berdugo”

Ito ang katagang isi­nulat sa mga naglalaki­hang lara­wan ni Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) chair­man Bayani F. Fernando nang buwel­ta­han ng mili­tanteng grupo ang spray-painting cam­paign ng una sa mga kolo­rum na pam­pa­­sahe­rong sasakyan, kasabay ng pag­sasaboy din ng pulang pin­tura sa mga larawan nito, kama­kalawa ng gabi  sa kaha­baan ng EDSA.

Maliban sa pagsasaboy ng pintura sa mga mala­laking lara­wan ng MMDA chief, gu­ma­mit din ng itim na spray-paint ang mga mi­yem­­bro ng militanteng gru­pong Kalipu­nan ng Dama­yang Mahihirap (KADAMAY).

Ayon kay John Vincent Marin, tagapagsalita ng KADAMAY, ang pagsasa­boy nila ng pintura sa mukha ni Fernando ay pa­raan ng pag­gising sa mga mararahas na hak­bang ng ahensiya laban sa mara­litang taga-lungsod.

Idinagdag pa nito na ito ang katumbas na paraan sa gi­nagawang karahasan uma­no ni Fernando at ang ma­aga niyang pamumuli­tika na ang ginagamit na­ man sa pagpapa­gawa ng kanyang malalaking tarpaulin ay  mula naman umano sa pera ng taum­bayan.

Hindi naman nagustu­han ni Fernando ang na­ging re­aksiyon ng militan­teng grupo sa kanyang mga pro­grama at proyekto, ka­sabay ng pagha­hamon ng una sa mga huli na gumawa na lamang sila ng sarili nilang tarpaulin sa halip na ‘babu­yin’ umano ang kan­yang men­sahe sa taumbayan.

Si Fernando na may ilang linggo ng nasa ibang bansa, ay nagsabing ha­yaan na lamang niya ang taumbayan ang maghusga kung wasto ang kanyang mga mensahe kaugnay sa pagtataguyod ng kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.

Malaki umano ang pa­ni­­ni­wala ni Fernando na ma­ganda ang mensaheng na­kasaad sa malalaking tarpaulin na may malaki ni­yang larawan dahil nag­papaalala ito ng mga pro­grama at proyektong Metro Gu­wapo ng natu­rang ahensiya.

BAYANI F

FERNANDO

JOHN VINCENT MARIN

METRO GU

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with