^

Metro

PAF Colonel nag suicide o pinatay?

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

Malaking palaisipan  nga­yon kung nag-suicide o sadyang pinaslang ang isang Colonel ng Philip­pine Air Force (PAF) na na­tag­pu­­ang patay at may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib sa loob ng silid nito sa kanyang tahahan sa Pasay City nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay PAF Chief Lt. Gen. Pedrito Cadungog, pi­naiimbestigahan na niya ang posibleng anggulo ng foul play sa pagkamatay ni Lt. Col. Jose Gerardo Da­ya­day, may-asawa at resi­dente ng 5th-2nd Street, Brgy. 183 Pasay City.

Si Dayaday ay as­sistant chief ng Phil. Air Defense Control Center ng Air Defense Wing sa Basa Air Base na nakabase sa Floridablanca, Pampanga ay nagbabakasyon sa ka­nilang tahanan nang ma­tag­puan itong patay.

Ayon sa inisyal na im­bes­­tigasyong tinanggap ni Cadungog, naganap ang krimen dakong alas-11:40 ng gabi kung saan isang ma­lakas na putok umano ng baril ang narinig sa loob ng bahay ng nasabing opisyal. Nang tunguhin   ng kan­yang pamilya ang silid ng biktima ay natagpuan itong duguan, nakapatong sa kamay ang cal. 45 pistol at imahe ng religious icons.

Nagdududa naman ang pamilya ng biktima na nag-suicide ito dahil wala umano silang alam na di­na­dala nitong problema bukod dito sa halip na sen­tido ay sa ka­liwang dibdib ang tama ng bala ng ti­namo nito.

Kaugnay nito, ayon kay PAF Spokesman Lt. Col. Epi­fanio Panzo Jr., nagsa­sa­gawa na ng hiwalay na imbestigasyon sa kaso ang Philippine Air Force ha­bang patuloy ang kanilang koordinasyon sa pulisya.

Samantala, naka­takda ring isailalim sa ballistic at paraffin test ang bangkay ng biktima upang madeter­mina kung nagpaputok ito ng baril. 

Sa paunang imbesti­gas­yon naman ng pulisya sinasabing maaaring pi­nag­lalaruan ng biktima at aksidenteng pumutok ang baril nito na naging sanhi ng kanyang kamatayan. 

Bago umano ito ay  pi­nagsabihan na umano ang nakainom na biktima ng kan­yang misis na si Ana­lene habang pinaglalaruan nito ang baril  sa pangam­bang baka aksidente pang pumutok ito.

Tinangka pa umano ng ginang na kunin at agawin ang baril ng mister subalit hindi ito ibinigay ng opisyal kung kaya’t nagpasiya siyang magtungo sa bahay ng hipag na katabing ba­hay lamang upang humingi ng tulong.

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay narinig ng ginang ang isang malakas na alingaw­ngaw ng putok ng baril at nang kanyang puntahan ang mister ay duguan na itong nakahan­dusay na agad pinagtutulu­ngang buhatin ng kanyang mga anak na sina Clyde James, 17; at Emmanuel, 15, upang maisugod sa pagamutan.

vuukle comment

AIR DEFENSE WING

AIR FORCE

AYON

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with