^

Metro

Opisyal ng MPD, ‘tinalo’ ng riding-in-tandem

-

Isang opisyal ng Manila Police District (MPD)  ang inatake ng dalawang pares ng riding-in-tandem na mga holdaper at tina­nga­yan ng P310,000 cash na kawi-with­draw pa lamang kung saan nabaril din ang driver nito, kahapon ng tanghali sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Chief Insp. Isagani Ilas, hepe ng Investigation Section ng MPD-Station 3, habang nasa malub­hang kondisyon sa UST Hospital ang driver nitong si  Sabido Chavez, 52, na nag­tamo ng bala sa mukha mula sa  kalibre 45.

Mabilis namang nagsitakas ang apat na suspek na magkakaangkas sa dala­wang Enduro type na motorsiklo na walang plaka.

Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng tang­hali nang maganap ang insidente sa panulukan ng  Andalucia at Bambang Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na kagagaling pa lamang sa Metro Bank ng naturang pulis na nag-with­draw ng P310,000 cash. Sakay na ito ng maroon na Nissan Sentra (ZEN 117) na mina­maneho ni Chavez patungo sa kan­yang talyer o ‘buy and sell’ shop ng kotse,  sa may Tayuman St., Sta, Cruz nang big­lang dinikitan   ng mga suspek at agad na bi­naril si Chavez.  Nagtangka pa umanong makipagpu­tu­kan ni Ilas subalit ‘palpak’ umano ang service firearm na 9 mm. kalibre  nito na hindi pumutok.

Mabilis na kinuha  ng mga holdaper ang salapi ni Ilas at apat pang tseke ng Banco De Oro at Metrobank. (Ludy Bermudo)

BAMBANG STS

BANCO DE ORO

CHAVEZ

CHIEF INSP

CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with