Mag-inang ‘tulak’ timbog

Inaresto ng mga alagad ng batas ang isang mag-inang tulak ng droga at dinakip rin ang bayaw ng una dahil sa pakikialam sa kaso sa isang buy-bust ope­ration kamakalawa sa Caloocan City.

Nakilala ang mga na­dakip na sina Imelda Mang,  “alyas Emy”, 41, at ang anak nitong si Edward Allen, 19, kapwa naha­harap sa kasong  paglabag sa R. A. 9165, Section 5,11 at R. A. 9165, Section 5 in relation to Section 26.

Ang bayaw naman ni Imelda na si Herminigildo Mang, 52, ay sinampa­han ng kasong pag­la­bag  sa PD 1829 (obs­­truc­­tion of appre­hen­sion) at Article 151 ng RPC (re­sis­tance and dis­obedience).

Lumalabas sa pagsisi­ya­sat ni  SPO1 Fernando Muran,  dakong alas-5 ng hapon nang maaresto ang mag-ina at si Herminigildo sa loob ng kanilang ta­hanan sa naturang lugar.

Nabatid na nagpang­gap na poseur-buyer si PO2 George Ardedon at ini­abot ang buy-bust money na P200 sa mag-ina kapalit ng isang pira­song heat-sealed trans­parent plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Matapos ang abu­tan ng pera at shabu ay ka­agad na dinamba ng mga pulis  ang mag-inang sus­pek kung saan narekober pa sa mga ito ang tatlo pang pi­raso ng plastic sachet na nag­lala­man din ng na­sabing droga. Inaresto rin ng mga pu­lis si Herminigildo ma­ta­pos nitong pigilan ang mga pulis ha­bang dina­rakip ang mag-inang sus­pek. (Lor­deth Bonilla)

Show comments