Mag-inang ‘tulak’ timbog
Inaresto ng mga alagad ng batas ang isang mag-inang tulak ng droga at dinakip rin ang bayaw ng una dahil sa pakikialam sa kaso sa isang buy-bust operation kamakalawa sa
Nakilala ang mga nadakip na sina Imelda Mang, “alyas Emy”, 41, at ang anak nitong si Edward Allen, 19, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa R. A. 9165, Section 5,11 at R. A. 9165, Section 5 in relation to Section 26.
Ang bayaw naman ni Imelda na si Herminigildo Mang, 52, ay sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1829 (obstruction of apprehension) at Article 151 ng RPC (resistance and disobedience).
Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO1 Fernando Muran, dakong alas-5 ng hapon nang maaresto ang mag-ina at si Herminigildo sa loob ng kanilang tahanan sa naturang lugar.
Nabatid na nagpanggap na poseur-buyer si PO2 George Ardedon at iniabot ang buy-bust money na P200 sa mag-ina kapalit ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Matapos ang abutan ng pera at shabu ay kaagad na dinamba ng mga pulis ang mag-inang suspek kung saan narekober pa sa mga ito ang tatlo pang piraso ng plastic sachet na naglalaman din ng nasabing droga. Inaresto rin ng mga pulis si Herminigildo matapos nitong pigilan ang mga pulis habang dinarakip ang mag-inang suspek. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending