^

Metro

30 motorcycle riding SWAT ikinalat

-

Nagpakalat kahapon ang pamu­nuan ng Eastern Police District (EPD) ng 30 miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) kaugnay sa inilunsad na operasyon laban grupo ng  riding-in-tandem na mga holda­per na bumibiktima ng mga kli­yente ng banko na nagwi-withdraw ng malaking halaga.

Ayon kay EPD chief Supt. Leon Nilo dela Cruz, kahapon ay sinimulan na niyang ikalat ang 30 heavily armed SWAT on motorcycle  bilang pangontra sa grupo ng riding in tandem.

Sinabi ni Dela Cruz na ang mga nasabing miyembro ng SWAT ay ikinalat sa paligid ng mga banko na nasasakupan ng EPD, gayundin sa paligid ng Ortigas Center at kahabaan ng Meralco Avenue sa Pasig na dito kadalasang hinaharang ng mga holdaper ang mga biktima na galing sa pag-withdraw ng malaking halaga ng pera sa ka­nilang banko.

Dagdag pa ng EPD chief na armado ang mga nasabing miyembro ng SWAT ng com­mando type armalite rifles, shot­guns at pistola at para madali namang magkaroon ng komu­nikasyon sa mga kasamahan ay binigyan ang mga ito ng two way radio at cellphone sakaling maka-engkwentro ng mga ito ang grupo ng mga suspect.

Matatandaang naalarma na ang pamunuan ng EPD ma­ta­pos ang apat na sunod na pang­hoholdap ng grupo ng riding-in-tandem sa mga kliyente ng banko na nag­-withdraw ng mala­­laking halaga at kanila itong hinaharang para kunin ang pera at kapag nan­laban ay binabaril ang mga biktima. (Edwin Balasa)

DELA CRUZ

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

LEON NILO

MERALCO AVENUE

ORTIGAS CENTER

SHY

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with