^

Metro

Trader, sekyu patay sa holdap

- Rose Tamayo-Tesoro -

Patay  ang isang negosyante at isang security guard, habang dalawa naman ang malubhang nasu­gatan makaraang looban ng anim na arma­dong kalalakihan ang South Shop Grocery at pa­ulanan ang mga una ng putok mula sa matataas na kalibre ng baril, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Joselito Antonio, 39, ng GSSI Security Agency at ang negos­­yanteng si Danilo Mauricio, 40; na tinamaan ng ligaw na bala habang ito ay papasok sa loob ng hinoldap na nabanggit na establisimyento na mata­tagpuan sa Palanyag St., Evacom, Brgy., San Dionisio, Parañaque City.

Ang guwardiyang si Joey Rosario, 33, ay ma­lubha namang nasugatan matapos pagpa­paluin sa ulo ng puluhan ng baril na unang tinutu­kan ng mga holdaper bago pinasok ang loob ng na­turang grocery dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Odeo Carinio, kasalukuyang nagbabantay sa na­banggit na grocery si Rosario nang lapitan at tutukan ng baril ng apat na armadong holdaper at pilit na kinukuha ang kanyang service firearm.

Pumalag ang guwardiya kaya’t pinagpapalo siya sa ulo ng mga suspect na nakatawag naman ng pansin sa kasamahan niyang guwardiyang nasawi na si Antonio na agad nagresponde gamit ang isang shotgun.

Lingid sa kaalaman ng nasawi ay may dalawa pang kasamahan ang apat na suspect kung kaya’t hindi pa man siya nakakalapit sa tutulungang si Rosario ay agad na siyang pinaulanan ng bala ng dalawa pang holdaper.

 Nagkataon namang papasok sa naturang grocery si Mauricio at isa pang biktima na hindi na nakuha pa ang pangalan kung kaya’t pati ang mga ito ay nahagip din ng bala sa katawan na siyang ikinamatay ng una at malubha namang ikina­sugat ng huli.

Nabatid na hindi naman sinaktan ng mga sus­pect ang may-ari ng nasabing grocery na si Angel Dy nang kusa na niyang ibigay sa mga hol­daper ang P120,000 cash at mga tseke na umaabot sa mahigit P1 milyon. Nang makulimbat na ang kanilang pakay ay agad na tumakas ang mga suspect sakay ng tatlong motorsiklo at ma­bilis na pinasibad ito sa hindi mabatid na direksyon.

vuukle comment

ANGEL DY

DANILO MAURICIO

JOEY ROSARIO

JOSELITO ANTONIO

ODEO CARINIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with