^

Metro

Sekyu dedo sa holdaper

-

Napatay ang isang 24 anyos na security guard matapos itong mabaril ng mga hinihinalang holdaper nang rumesponde ito  kahapon ng umaga sa Panda­can, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si William Manguray, may-asawa, ng Bidbid St , Phase I, Navotas City

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakaki­lanlan sa anim na armadong sus­pek na magkakaangkas sa tat­ long motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang in­sidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 5:30 ng umaga nang naganap ang insidente sa hara­pan ng Metro gas station sa kanto ng Quirino Ave at P. Gil St., Pandacan, Manila.

Kasalukuyan umanong naka duty ang biktima nang mapansin nitong hinoholdap ng mga sus­pek ang binabantayang gas station sa nasabing lugar.

Dahil dito kayat tinangka nitong barilin ang mga suspek su­balit hindi pumutok ang kan­yang kalibre .38 na service fire­arm kaya siya naman ng binaril sa ulo ng isa sa suspek.

Hindi pa umano  nasiyahan ang mga suspect at isa sa kanila ang lumapit pa sa biktima at kinuha ang kanyang baril bago muling binaril ito sa ulo.

Mabilis namang nilimas ng mga suspek ang kita ng gasoli­nahan na nagkakahalaga ng P5,000 mula sa kaherong si Edgar Maballo at Nokia 6630 ng isa pang empleyado na si Fran­cis De Luna. (Gemma Amargo-Garcia)

BIDBID ST

DE LUNA

EDGAR MABALLO

GEMMA AMARGO-GARCIA

GIL ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with