Dahil sa charger, obrero tinarakan sa ulo
Nang dahil lamang sa nawawalang cellphone charger, isang laborer ang nasa kritikal na kondisyon matapos na tarakan ito ng saksak sa ulo ng isang security guard, kahapon ng umaga sa
Ang suspect naman na kinilalang si Romulo Vasquez, 22, security guard ng Delta Force Security Agency ng #33 Gov. Pascual Ave., Conception, Malabon City ay agad namang sumuko sa awtoridad dala ang jungle knife na ginamit sa pananaksak sa biktima. Batay sa imbestigasyon, dakong alas-7:55 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa construction site na pinaglilingkuran ng biktima at binabantayan naman ng suspect na nasa
Napag-alaman na nitong nakaraang Lunes ng March 31, dahil na low-bat umano ang cellphone, nanghiram ng charger ang suspect sa isang trabahador na si Nonilito Nadalo, 18. Matapos gamitin ay itinabi ito ng suspect sa kanyang locker, pero nang kukunin ng may-ari ang charger, nawawala na ito sa kinalalagyan.
Kahapon ng umaga, habang nagbubulatlat ng gamit ang biktima, nakita ng may-ari ang nawawalang charger sa bag nito na naging dahilan para sitahin ang una ng suspect. Dahil dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspect at ang biktima na humantong sa suntukan hanggang sa binunot ng una ang kanyang jungle knife at saka inundayan ng saksak ang huli sa punong tenga at ulo nito. Ang biktima ay agad na bumagsak at sumuka ng dugo sa bunton ng mga construction materials kung saan ay agaw-buhay na dinala ito sa nabanggit na pagamutan. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending