^

Metro

Salvage victim natagpuan

-

Isa na namang biktima ng salvage na pinaniniwa­la­ang isang holdaper ang natagpuan matapos itong kataying parang baboy at pakuan ang ulo nito ng ka­ratulang may katagang “siya ay holdaper at huwag pamarisan” ng pinaniniwa­la­ang grupo ng mga vigi­lante na iniulat kahapon sa  Ca­loocan City.

Tinatayang nasa 40-45-taong gulang, may taas na 5’8’’, katamta­man ang pangangatawan, bilugan ang mukha, kayu­manggi, nakasuot ng lu­mang maong short pants at puting t-shirt.

Ayon sa ulat, ang na­sabing bangkay ay natag­puan  dakong  alas-12:15 ng madaling-araw sa likod ng Bonifacio Market sa panulukan  ng McArthur Highway, Caloocan City. 

Hini­hinala naman ng mga awtoridad na pinatay sa ibang lugar bago itinapon sa naturang lugar ang bang­­kay ng di-nakilalang biktima upang iligaw ang mga imbestigador at nag­sa­sagawa ngayon ng fol­low-up operation ang Calo­ocan City Police hinggil sa insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BONIFACIO MARKET

CALO

CALOOCAN

CITY POLICE

LORDETH BONILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with