Bodega ng rice hoarders, sinalakay

Sinumulan  nang salakayin ng Philippine National Police (PNP) ang mga bodega ng mga hinihinalang hoarders at ilegal na distributor ng bigas ng Na­tional Food Authority (NFA) sa Quezon City ka­hapon.

Kasalukuyang isinasa­ilalim na sa imbestigasyon ng NFA ang mga may-ari ng mga es­tabli­­simento na sina Roger Agabas, kapatid umano ni Pangasinan Vice-Governor Marlyn Pricimi­cias Agabas at ang mag-asawang Jerry at Margaret Cua.

Sinabi ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na nagbigay sila ng seguridad sa mga tauhan ng NFA sa nag-ins­peks­yon sa bodega ng bigas sa loob ng Vista Real Sub­division, sa Brgy. Com­mon­wealth.

Na­dis­kubre sa loob ng bo­de­ga ang daan-daang sako ng mga com­mercial rice at NFA rice. Igi­niit naman ni Agabas na legal ang kanyang operas­yon at ac­cre­dited dealer siya ng bigas ng NFA

Sa kabila nito, isinasa­ilalim pa rin si Agabas sa dokumen­tasyon upang ma­patunayan na hindi ito sang­kot sa hoard­ing at ilegal na re-packing ng NFA rice.

Sinabi naman ni Criminal Investigastion and Detection Unit deputy chief Supt. Mar­ce­lino Pedrozo na nagsa­gawa rin sila ng pagsalakay da­kong alas-5 kamakalawa ng hapon sa bodega sa Parkway Village sa Muñoz district na pag-aari ng mag-asawang Cua.

Unang nagsagawa muna ng surveillance operation ang pu­lisya hanggang sa magpo­sitibo na libu-libong sako ng bigas ang nakaimbak sa lugar.

Nabatid naman na uma­abot sa 10,000 sako ng bigas ang nasa loob ng bodega na ma­laking ebidensya na may hoarding na nagaganap at mga libu-libong sako na hini­hinalang gagamitin sa pagre-repack ng bigas ng NFA.

Ang naturang mga pag­sa­lakay ay matapos na ma­ngako ang PNP na tutulong sa NFA sa pagsugpo sa hoarding at illegal repacking ng bigas na nagiging sanhi ng pagtaas ngayon ng presyo nito.

Show comments