^

Metro

Pekeng parak huli sa kotong

-

Nadakip ng mga ope­ra­tiba ng Manila Police District (MPD) ang isang pekeng pulis na umano’y na­ngongotong sa mga mo­torista, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang suspect na si Joselito Rosuello, alyas Joey, 45, binata, ng Villa Luisa Subd., Bagum­bong, Caloocan City. Na­ ka­­takda itong sampahan ng ka­song usurpation of authority at paglabag sa City Ordinance Section 864-C (concealing bladed weapon).

Batay sa ulat, ang in­sidente ay naganap da­kong alas-9:40 ng umaga sa kahabaan ng Laguna St., malapit sa Rizal Ave­nue Sta. Cruz, Maynila ha­bang ang suspek ay nani­nita ng mga motoristang dumaraan dito.

Napansin umano nina PO2 Jesus Balisi, PO2 Christopher Magabilin at PO2 Domingo Dumancil habang nagpa­patrulya ang mga ito na hindi tama ang unipormeng suot ng sus­pek kung kaya’t sinita ng mga ito ang huli. Nang sita­hin ay ipinakita umano ng sus­pek ang kan­yang po­lice-Caloocan ID ngunit nang papakawalan na umano ng mga nasabing pulis ang sus­pek ay napan­sin ng mga ito na may dala itong motorsiklo at nang inspek­siyunin ay may na­kita sa com­partment nito na mga matatalas na bagay tulad ng improvised screw driver at kutsilyo.

Bunsod nito’y mabilis na isinama ng mga na­sa­bing pulis ang suspek sa MPD-Station 3 at nang isa­ilalim sa interogasyon ay nadiskubreng pekeng pulis ito na umano’y inire­rekla­mo ng maraming mo­to­rista dahil sa ginagawang pa­ngo­ngo­tong. (Grace dela Cruz)

CALOOCAN

CHRISTOPHER MAGABILIN

CITY ORDINANCE SECTION

CRUZ

DOMINGO DUMANCIL

JESUS BALISI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with