Helper patay sa best friend

Binaril at napatay ng isang 30-anyos na helper ang kanyang matalik na kaibigan habang natutulog sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Namatay habang gina­gamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ronald del Castillo, binata ng #565 Del Pan St., Binondo, Manila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Roan Parohinog, best friend at kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang in­sidente. Base sa ulat, dakong alas- 5:30 ng umaga nang naganap ang insidente sa kanto ng Del Pan at Lara Sts., Binondo.

Natutulog ang biktima sa isang bangko sa labas ng kanilang bahay nang lapitan siya ng suspek at barilin sa ulo. Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Ayon sa ilang residente, dati umanong matalik na mag­ka­ibigan ang dalawa hanggang sa nagka­roon ng alitan ang mga ito.Sinabi ng pulisya na posibleng matagal nang naghi­hintay ng pagkakataon ang suspek para patayin ang biktima. (Grace dela Cruz)

Show comments