^

Metro

Riding in tandem umatake

-

Muling umatake ang grupo ng riding-in-tandem sa Pasig City matapos biktima­hin ang pampasuweldo sa mga empleyado ng isang kompanya na nagka­kahalaga ng kalahating milyon piso na winithdraw ng mag-asawa sa isang banko sa nasabing lungsod kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga nang mag­sa­­gawa ng daylight robbery ang anim na hindi pa kilalang mga holdaper na sakay ng tatlong motorsiklo sa ka­habaan ng Evangelista St., Santolan Village Brgy. Santolan ng lungsod na ito. Nabatid na galing sa pagwi-withdraw ng halagang P500,000 sa Chinabank San­tolan Branch ang mag-asawang biktima na nakilalang sina Constancia Paz, ac­countant ng St. Thomas Multi-Purpose Co­operative at asawa nitong si Gatdiwa. Pauwi na ang mga ito sa Santolan Vil­lage sakay ng silver na Toyota Co­rolla na may plakang XSU-187 ng bigla na lang silang harangin ng mga suspek na armado ng mai­ikling ka­libre ng baril at nagpa­hayag ng holdap.

Walang nagawa ang mag-asawa kundi ang ibigay ang nasabing pera sa takot na patayin sila ng mga suspek. Hindi naman tumagal ng isang minuto ang pangho­holdap at mabilis ng nag­si­­takas ang mga sus­pek matapos makuha ang pera.

Ayon naman kay Eastern Police District (EPD) chief Supt. Leon Nilo dela Cruz na sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng ma­la­limang imbestigasyon kung bakit alam ng mga suspek ang kanilang bibikti­mahin at alam nila na may dala itong ma­laking pera. (Edwin Balasa)

AYON

CHINABANK SAN

CONSTANCIA PAZ

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

EVANGELISTA ST.

LEON NILO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with