^

Metro

Chinese national timbog sa P1.2-milyon droga

-

Naaresto ng mga ele­mento ng Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) Metro Manila Office ang isang pinaghi­hinala­ang drug trafficker na Chi­nese kasabay ng pag­­ka­ka­samsam sa P1.2-M halaga ng shabu sa isina­ga­wang buy-bust operation sa lungsod ng Maynila.

Sa report na tinang­gap ni PDEA Executive Director General Under­sectary Dio­nisio San­tiago, nakilala ang nasa­koteng suspect na si Tony Pong Ang, 25.

Si Ang ay nahuli ng PDEA operatives sa buy- bust operations sa Tam­ba­can St., Sta. Cruz, Maynila dakong alas-3:40 ng hapon kamakalawa.

Bago ito ay nakatang­gap ng intelligence report ang mga awtoridad hing­gil sa talamak umanong pag­bebenta ng illegal na droga ni Ang kaya’t isi­na­ilalim nila ito sa ma­susing surveil­lance operation.

Matapos na makum­pirma ang report ay agad nag­­sagawa ng operas­yon ang mga operatiba na nag­re­sulta sa pagka­kadakip sa suspect. Hindi na nakapa­lag si Ang ma­tapos na po­sasan ng mga tauhan ng PDEA Metro Manila Office sa aktong iniaabot ang illegal na droga sa poseur buyer ng mga awtoridad.

Nasamsam kay Ang, ang mahigit kumulang na 200 gramo ng shabu na nag­kakahalaga ng P1.2 milyon. (Joy Cantos)

DRUG EN

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL UNDER

JOY CANTOS

MAYNILA

METRO MANILA OFFICE

SHY

SI ANG

TONY PONG ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with