^

Metro

Kaso vs anak ni Mayor Lim, pinasusulong ng DOJ

-

Pinasusulong na ng De­partment of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong droga sa Korte laban sa anak ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Base sa limang pahi­nang resolution ni State Pro­secutor Nolibien Quiam­bao, pinasasampa na nito sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang ka­song paglabag sa Sec.5 at 15 ng Art II ng  RA 9165 o ang pagtutulak ng ipinag­babawal na gamot laban kay Manuel Lim, Joel Sabado at Ronald Pascua.

Sinabi ni Quiambao, may sapat na basehan upang isulong ang na­sabing kaso sa hukuman at wala itong makitang ka­malian sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA).

Ang grupo ni Lim ay naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA noong March 15, 2008 ng madaling-araw sa Binondo Maynila habang nagbebenta ng droga sa isa sa mga miyembro ng PDEA na umaabot sa 100 gramo ng shabu na may halagang P340 libong piso.

Binalewala naman ng prosekusyon ang naunang inihaing petisyon ng abo­gado ni Lim na si Atty. Mario Ongkiko na ibaba sa kasong drug user ang ka­song drug pushing  ng anak ng Alkalde. (Gemma Amargo-Garcia)

BINONDO MAYNILA

DRUG ENFORCE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOEL SABADO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL LIM

MARIO ONGKIKO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with