^

Metro

Sekyu binoga, patay

-

Agad na nasawi ang isang security guard ma­tapos itong barilin sa la­lamunan ng isang hindi nakikilalang sala­rin habang ang una ay naka-poste sa binabantayan nitong paga­mutan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa V. Luna Hospital sanhi ng tama ng bala mula sa hindi pa nababatid na kalibre ng baril ang bikti­mang si Marlon Rafales, 48, ng  2370 St. Mary Ann St., Admin Site, Brgy. Tala ng nabanggit na lungsod. Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa North Caloocan Doctor’s Hos­­pital na ma­ta­tagpuan sa kahabaan ng Quirino High­way, Bankers Village, Caloocan City.

Nabatid na kasaluku­yang naghaha­punan sa guard post ng nasabing bik­tima nang biglang sumulpot ang suspect sa likurang ba­hagi nito na armado ng baril.

Sa malapitang distan­siya ay walang sabi-sabing pinaputukan ng suspect ang biktima na tinamaan sa lalamu­nan nito at nang matiyak  na patay na ito ay dali-daling tumakas ang suspek patu­ngo sa Banker’s Village dala ang ginamit na armas.

Napag-alaman pa na hindi man lamang gumanti ng putok ang biktima at nag­ta­takbo ito patungo sa loob ng kan­yang tina­ta­nu­rang pagamutan upang isalba ang sa­riling buhay. Dahil sa malubhang kon­dis­­yon nito ay daglian itong inilipat sa V. Luna Hos­pital, su­balit sa daan pa lamang ay bina­wian na ito ng buhay.

Patuloy namang nag­sa­sagawa ng man­hunt operation ang mga ele­men­to ng Ca­loocan-PNP laban sa suspect upang pa­panagutin sa kanyang ginawang krimen. (Rose Tamayo-Tesoro)

ADMIN SITE

CALOOCAN

LUNA HOS

LUNA HOSPITAL

MARLON RAFALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with