^

Metro

Bebot tumilapon sa banggaan sa Ermita

-

Nahulog mula sa isang kotse at nabagok ang ulo ng isang  35-anyos na dalaga nang tumilapon matapos mabangga ng isang truck ng basura at kritikal din ang nagmamanehong kasama nito sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Manila­ Doctor’s Hospital ang biktimang si Analyn Dizon, residente ng 121  K-7, Kamias Road, Quezon City.

Kritikal pa rin sa nasabing pagamutan ang kasama nitong si Robert Dulay, 36, may-asawa, driver ng puting Mitsubishi L-300 (WMS 986) at residente ng Blk 6 Lot 13 Purok 7 Bagong Tanyag, Taguig City.

Arestado ang driver ng Leonel Waste Management na si Junnie Delamide, 41, may-asawa at residente ng 1334 Cristobal St., Paco, Maynila.

Sa report ni SPO1 German Sainz ng District Traffic Enforcement­ ng Manila Police District, dakong alas-3:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng United Nations Ave. at Romualdez St., Ermita.

Minamaneho ni Delamide ang truck ng Leonel nang mabangga umano nito ang sasakyan ng dalawang biktima na papatawid sa intersection.

Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay umikot ang sasakyang minamaneho ni Dulay at tumilapon si Dizon sa kalsada. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANALYN DIZON

BAGONG TANYAG

CRISTOBAL ST.

DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT

ERMITA

GERMAN SAINZ

JUNNIE DELAMIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with