Helper na-hit and run

Isang helper ang nabiktima ng “hit and run” nang tumakas ang driver ng isang sasakyan na nakasagasa sa kanya sa Ermita, Manila kahapon ng umaga.

Ang  biktimang si Ronel Montaner, binata, ng RC 10 Area G, Sapang Palay, San Jose Del Monte, Bulacan ay namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila habang inaalam naman ang di nakilalang driver ng isang kulay itim na kotse na tumakas matapos ang insidente.

Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 German­ Sainz ng Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit na ­dakong 1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Roxas Blvd at Sta Monica St., Ermita. (Grace dela Cruz)

Show comments