^

Metro

Nanita sa masamang tingin itinumba

-

Bunsod ng umano’y ma­samang tingin sa babae, isang 29-anyos na binata ang binaril at napatay nang barilin ng isang hindi pa nakilalang sus­pek nang magkasalubong ang mga ito sa Tondo, Maynila ka­hapon ng madaling-araw.

Agad na nasawi si Joel Ronda, walang trabaho, ng Bldg. 15 Katuparan St., Vitas, Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan.

Inaalam naman ang pagka­kakilanlan sa di nakilalang sus­pek na tumakas matapos ang pamamaril.

Naglalakad papauwi ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Joan Magat, 20, nang makasalu­bong nila ang grupo ng mga hindi nakilalang mga kalalaki­han na napatingin sa kasama niyang babae.

Nainsulto umano ang biktima sa pagkakatitig ng mga suspek sa kanyang live-in partner dahilan upang sitahin ang mga ito at sinabihan na “Ang sama ninyong maka­tingin ah!”.

Tila hindi pa nakuntento ang biktima sa pagsita, kinom­pronta pa nito ang isa sa sus­pek na nag-ugat ng kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa magtatakbo papalayo ang suspek subalit hinabol ito ng biktima hanggang nakarinig ng isang malakas na putok ng baril kasabay ng duguang pagbagsak ng biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BUNSOD

CRUZ

INAALAM

JOAN MAGAT

JOEL RONDA

KATUPARAN ST.

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with