^

Metro

22-anyos todas sa truck

-

Nasawi ang isang 22- anyos na crew ng fastfood chain matapos itong magu­lungan ng isang trailer truck habang sakay ng kanyang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot sa lugar ng insidente ang bik­timang si John Ree Bersa­lote ng #11 Bicol Brigade, Tatalon Quezon City sa­man­talang kaagad na­mang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Virgilio Castillo, 43, driver, ng Brgy. Pantok, Laguna.

Base sa ulat ng Traffic Bureau, dakong alas- 12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa panulukan ng Tam­bakan, Road 10, Tondo, Manila.

Kasalukuyan umanong minamaneho ni Castillo ang isang tractor head (UDC 517) na may hilang trailer at may kargang 40 footer van (PUN 800) habang isang motorsiklo naman ang dala ni Bersa­lote at kapwa binabagtas ang kahabaan ng Road 10 sa direksiyon ng South nang pagsapit sa kanto ng Tambakan ay ti­nangkang mag-overtake pakanan ang huli.

Subalit hindi umano na­­pansin ni Bersalote na ka­kanan din si Castillo pa­tungo sa Shell station da­hilan upang mawalan ng kontrol ang pagma­maneho ng biktima kaya pumasok ang motorsiklo at katawan nito sa ilalim ng trailer truck na nagresulta sa kanyang agarang ka­matayan.

Sumuko ang driver sa nakatalagang security guard ng Shell samanta­lang kasong reckless im­prudence resulting to homi­cide ang sinampang kaso laban kay Castillo. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BERSA

BERSALOTE

BICOL BRIGADE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOHN REE BERSA

SHY

TATALON QUEZON CITY

TRAFFIC BUREAU

VIRGILIO CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with