Mobile cars ng WPD lalagyan ng tracking device

Upang malaman  kung naglalakwatsa ang mga pulis na gumagamit ng mo­bile cars, kakabitan na ang mga patrol cars ng Manila Police District (MPD) ng GPS o tracking devices.

Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Ro­berto Rosales, ang pagka­kabit ng GPS device sa may 100 mobile patrol ay upang mapabilis na madis­patsa ang pinakamalapit na mo­bile cars sa lugar ng insidente.

“The GPS system will enable us to quickly dis­patch the nearest mobile cars to any incident. As printed on the side of our patrol cars, we commit to respond within 7 minutes or less,” ayon pa kay Rosales.

Nilinaw pa ni  Rosales na ang GPS device na ika­kabit sa mga mobile cars ay gagamitan ng isang satellite navigation upang agarang malalaman kung saan ang eksaktong lokas­yon ng isang mobile car at  ang lokasyon ay maipapa­dala sa pamamagitan ng text messaging sa MPD-District Tactical Operation Center (DTOC) na mis­mong maki­kita sa digita­lized map ng Pilipinas.

Nabatid na ang GPS device ay awtomatikong na­ipapadala sa lokasyon nito kada isang minuto.  Ang pagkakabit ng GPS system ay bahagi lamang umano ng MPD’s moderni­zation program.

Itinakda sa Abril 14, ang pormal na pagsi­si­mula  ng naturang pro­grama. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments