Mobile cars ng WPD lalagyan ng tracking device
Upang malaman kung naglalakwatsa ang mga pulis na gumagamit ng mobile cars, kakabitan na ang mga patrol cars ng Manila Police District (MPD) ng GPS o tracking devices.
Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Roberto Rosales, ang pagkakabit ng GPS device sa may 100 mobile patrol ay upang mapabilis na madispatsa ang pinakamalapit na mobile cars sa lugar ng insidente.
“The GPS system will enable us to quickly dispatch the nearest mobile cars to any incident. As printed on the side of our patrol cars, we commit to respond within 7 minutes or less,” ayon pa kay Rosales.
Nilinaw pa ni Rosales na ang GPS device na ikakabit sa mga mobile cars ay gagamitan ng isang satellite navigation upang agarang malalaman kung saan ang eksaktong lokasyon ng isang mobile car at ang lokasyon ay maipapadala sa pamamagitan ng text messaging sa MPD-District Tactical Operation Center (DTOC) na mismong makikita sa digitalized map ng Pilipinas.
Nabatid na ang GPS device ay awtomatikong naipapadala sa lokasyon nito kada isang minuto. Ang pagkakabit ng GPS system ay bahagi lamang umano ng MPD’s modernization program.
Itinakda sa Abril 14, ang pormal na pagsisimula ng naturang programa. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending