^

Metro

Salvage victim natagpuan

-

“Maglubay na kayo, ganito ang sasapitin ninyo”, ito ang mga salitang naka­sulat sa karton na naka­takip sa mukha ng isang lalaki na mistulang parang baboy na ginapos  at si­nal­vage ng pinaniniwala­ang grupo ng mga vigilante ma­tapos matagpuan ang bangkay nito sa Caloocan City ka­ hapon ng madaling- araw.

Inilarawan lamang ng pulisya ang biktima na tina­tayang nasa edad 30-35, may taas na 5’3’’, naka­suot ng pantalong maong  at dilaw na t-shirt at may tattoo sa kanang binti.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling- araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na pa­dapang nakahandusay sa kahabaan ng Calle Uno ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na ang bangkay ng di-nakilalang biktima ay tinaling parang  baboy ang magkabilang kamay, binigti  ng electrical cord at may  mga  saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Bukod dito ay binalutan pa ng mga hindi nakikila­lang vigilante ang mukha ng biktima ng karton kung saan nakasulat ang mga kataga na nagbibigay ba­bala sa mga taong may ma­­sa­samang gawain. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BUKOD

CALLE UNO

CALOOCAN

INILARAWAN

LORDETH BONILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with